Kasalukuyang Sandaling Pagiisip (KSP)
Tuesday, October 11, 2011, 7:44 PM
A masterpiece by mg.2 :)
Orange
Isa
akong diretsong tao kaya ganito magsisimula ang aking kuwento.
*logging
in*
Naglalakad
ako papuntang eskwelahan nang biglaw may sumiga ng “Aaaah!...”.
Ows talaga, naisip ko. Si Girl X lang yun, sigurado ako. Habang
iniisip ko ito ay may tumapik sa aking likod sabay sabi, “Hey
@!$#.”.
Oo nga pala, ako
pala si @!$#. Natandaan ko bigla yung pangalan ko dahil bigla ko
itong nabigkas dahil, actually nagulat ako dun sa pagkatapik ni Boy
Z.
Nang bumalik na
ako sa mundo, mag-isa na lang ako sa gitna ng daan. Autism talaga si
Boy Z, iniwan pa ako.
Pagpasok
ko sa entrance ng eskwelahan namin, nag-ring na yung first bell –
sinisimbolo nitong 'first bell' na ito ang simula ng mga klase ng mga
1st
- 3rd
year high school; ang mga 4th
year ay nagsisimula nang mas late dahil sa 'special activities' nila
– hindi ko alam kung anong klaseng mga espesyal na bagay ang mga
pinaggagawa nila.
Pagkapasok ko sa
aming silid ay nakipagusap muna ako kay Kaklase(babae). Bata pa
lamang kami ay magkaibigan na kami ni Kaklase(babae). Nagustuham ko
siya in a romantic way nung Grade 6 at nagtapat ako sa kanya nung
nakaraang taon. Pero sinabi niya na mas mabuti kung 'friends' na lang
muna kami kaya hindi na ulit ako nagpilit pa at ibang ruta na lang
ang tinahak ko. Ngayon ay matalik na kaibigan na lang ang turing ko
sa kanya, no pain, no gain. Balik na tayo sa kasalukuyan.
Tinanong ko siya
kung anong homework ngayong araw, “Hey Kaklase(babae), anong
homework natin ngayon?”
“Hmm... wait
lang, check ko sa notebook ko.” <nagbasa siya ng notes>”ProbSet
sa Physics, and Oral Exam sa Math starting Tuesday. Yun lang naman.”,
sagot niya.
“Oops, hindi ko
yata nagawa yung ProbSet, ahaha.”
“Ohh.. gusto
mo-”
“Pakopya?”
“Hindi.
Tatanungin sana kita kung gusto mo magkaraoke tayo mamaya since...
uhh... kasi hindi mo nagawa homework mo? Ahehehehe.”
“Akala ko pa
naman papakopyahin ako....sige, suuuure. Basta libre mo.”
“Oo naman.”
“Ok class,
mag-ayos na kayo.”
Dumating na pala
si Boss. Si Boss ang adviser namin – ang full name niya ay
masyadong mahaba kaya Boss ang tawag namin sa kanya kasi she's like a
boss(yata). Nagsisimula na ang klase.
Nagtapos na ang
mga klase. Diretso kaagad kami ni Kaklase(babae) sa karaoke dun lang
sa 'Junes'.*kanta kanta* *hinga hinga* *kanta ulit kanta ulit* *tawa
tawa* *inom ng libreng orange juice na ibinigay ng staff ng karaoke
bar pero ayaw ni Kaklase(babae) kaya ako na lang umubos yeah*
Kakatapos
ko lang kumanta ng 'Never
Gonna Give You Up' nang
nagsalita si Kaklase(babae), “Alam mo ba @!$#, sa palagay ko, kaya
ko na ibalik yung mga nararamdaman mo para sa akin.”, sabi niya,
sabay blush, may pasway-sway pa.
Nagulat naman ako.
Hindi na siya ang taong inaasam ko dahil may bago na akong tipo kaya
napanganga lang ako.
“H-h-ha?”
“Uhhmm..”,
sinabi niya habang nakasimangot at medyo naluluha, “Ok lang, kung
a-” sabay bawi sa sasabihin niya.
Nakatigil lang ako
na para bang na-petrify ng isang basilisk.
6:30.
Nag-a-alarm na
yung selepono(cellphone) ko. *click*
Ahaha. HAHAHA!
Wala lang.
Nahihilo pa rin ako mula pa kahapon.
Makabangon na nga.
Siguro malalate na naman ako.
Papunta
na naman ako ng eskwelahan. May stalker akong aso. Alam niyo ba na
ang
aso
ay
isang uri ng mammal
sa
orden ng Carnivora?
Ang salitang ito ay kinabibilangan ng parehong mga lagalag at mga
domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad
ng mga lobo. Maraming klase o 'breed' ng aso sa mundo. Merong
retriever, German shepherd, Hot Dog, Azkals... marami.
Itong
sumusunod sa 'kin, mukhang may maayos na breed. Tawagin natin siyang
'Pogi'. Sinundan ako ni Pogi hanggang sa entrance ng eskwelahan.
Medyo naweweirdohan na ako sa asong ito kaya ibinugaw ko na siya
paalis. Paalam, Pogi.
Mukhang
medyo maaga ako ngayon. Kakaunti pa lamang ang mga tao sa silid nang
umupo ako sa upuan ko. Sa wakas, makakapgpahinga na rin. Nilibot sa
tingin ng mga mata ko ang silid; kanan, wala pang tao; harap, nasa
pinakadulo si Girl X. Napag-isip muna ako; si Girl X kaya talaga yung
sumigaw kahapon? Tuloy sa paglibot. Kaliwa, upuan ni Kaklase(babae).
Mukhang wala pa siya. Naapektuhan kaya siya nung nangyari sa 'Junes'?
Sana naman pumasok siya, kailangan ko pa mag-sorry.
“Ok
class, maghohomeroom na tayo!”
Sigaw
ni Boss, pero parang may iba sa tono niya ngayon.
“Class,
may bad news ako sa inyo. Sana wag kayo mag-react violently.
Si Kaklase(babae)..... “
Ako
si Spy 1. Isa akong spy.
Noong
nakaraang taon, may isang kaso na hindi naresolba, ngunit hindi alam
ng pulisya na ako ang susi sa kasong iyon.
Limang
taon na akong naging espiya. Ang proyektong nabigay sa akin noong
nakaraang taon ay ang pag-obserba sa isang taong nagngangalang
'@!$#'. Hindi ipinaliwanag sa akin ang dahilan ng pag-obserba kay
@!$#.
Ipinalabas
ng aking agency na isa akong estudyante doon sa eskwelahan na
pinapasukan ni @!$#. Ang bansag sa akin doon ay 'Girl X'.
Sinunod
ko ang utos ng 'Agency' na sumigaw sa simula ng operasyon; hindi ko
talga maintindihan ang mga pinapagawa sa akin.
Noong
araw din na iyon ay umalis sila ni Kaklase(babae) at nagpunta sa
'Junes' para magkaraoke. Sa aking pagkakarining, nagtapat si
Kaklase(babae) kay @!$# ng kanyang pag-ibig. Ngunit hindi tinanggap
ni @!$# at maya-maya ay lumabas siya.
Nagtaka
ako dahil sa mga napapanood kong drama ay yung babae ang unang
lumalabas sa mga ganitong eksena.
Pagpasok
ko sa loob..... nakakita ako ng ordinaryong bagay na nakikita ko sa
aking linya ng trabaho. Nakahandusay si Kaklase(babae) sa sahig
habang duguan. Ang 'murder weapon' ay mga basag na piraso ng baso. Si
@!$# ang maaaring makagawa nito dahil siya lang ang ibang tao maliban
kay Kaklase(babae) ang nakita kong pumasok sa kwartong iyon.
Iniulat
ko kaagad ito sa aking nakalalamang na kasamahan, si Boy Z gamit ang
aking aparato para sa komunikasyon. Hindi siya nagulat sa mga sinabi
ko, na para bang inaasahan na nilang mangyayari iyon. Ang sabi lang
nila sa akin ay tumuloy na lang sa aking araw-araw na gawain na
pumasok sa eskwelahan at ituloy ang pag-obserba sa kay @!$# pero
hindi raw dapat ako gumawa ng kahit anong aksyon na makakapinsala sa
kanya.
Kinabukasan,
pumasok pa rin si @!$#. Nahirapan ako sa pagpigil sa sarili ko na
saktan siya, sa pagpatay sa isang taong wala namang kasalanan. Ang
espiya ay mga tao rin, may pakiramdam rin sila hindi kagaya ng
pagpapalabas ng mga tao sa media. Napansin ko na tinitigan niya ako
ng limang segundo. Ako na kaya ang next target niya? Pero sa tingin
ko hindi lang ito acting dahil para talgang hindi niya alam kung
anong nangyari.
Maya-maya
ay dumating na si Boss, ang homeroom adviser namin. Sinabi niya sa
klase na namatay na raw si Kaklase(babae). Hindi raw alam kung sino
ang kriminal. Nagulat ang buong klase, kahit si @!$#. Habang
ipinapaliwanag ni ay tumakbo palabas si @!$#. Pinaghahanap namin si
@!$# dahil suspek siya dahil may nakakita sa kanilang dalawa ni
Kaklse(babae) na magkasama kahapon, maliban sa akin. Maya-maya ay
sinabi sa amin na nagbigti raw si @!$# sa isang CR gamit ang kanyang
ID.
Naguguluhan
na talaga ako sa mga sunud-sunod na pangyayari kaya pagkauwi ko ay
ikinontak ko kaagad si Boy Z.
Ang
sabi raw ni Boy Z ay planado raw lahat ng nangyari. May itinetest na
bagong droga ang 'Agency' na kumakalat raw sa mundo. Ang nagagawa ng
drogang ito ay napipilit ang user na magkaroon ng 'sudden' paranoia
at gumawa ng nakakagilagilalas na mga bagay pero epektibo lang ang
drug ng pitong minuto at walang ideya ang nakagamit nito kung anong
nangyari habang naapektuhan ng drug. Ang gusto nila itest sa
operasyong ito ay kung magkakaroon man lang ng 'afterthoughts' yung
tao, at na'conclude' na tama nga sila, dahil sa reaksyon ni @!$#.
Kakainom
ko lang ng orange juice kanina na ibinigay ni Boy Z at parang
nahihilo ako. Nasa eskwelahan ako ngayon.
Labels: KSP
comment (1)
1 comment(s)
on▲
Autism