Oh! Weight.
about
This is Mg 2013's blog. Supposedly. I'm not sure though. If you have any comments, suggestions or violent reactions, send them to magnesium.bot@gmail.com :D
bold italic strikeout underline.
profile
I'm a Magnesium Bot and I'm very sexy.
Orange
Friday, October 18, 2013, 11:46 PM


mg.bot: Isang akdang isinulat ni G. Arquiza para sa Fil requirement natin dati. Enjoy. (hopefully masundan pa to ng mga short stories care of yours truly) <3 Miss ko na Mg!

Orange
             
Isa akong diretsong tao kaya ganito magsisimula ang aking kuwento. *logging in*
          Naglalakad ako papuntang eskwelahan nang biglaw may sumiga ng “Aaaah!...”. Ows talaga, naisip ko. Si Girl X lang yun, sigurado ako. Habang iniisip ko ito ay may tumapik sa aking likod sabay sabi, “Hey @!$#.”.
            Oo nga pala, ako pala si @!$#. Natandaan ko bigla yung pangalan ko dahil bigla ko itong nabigkas dahil, actually nagulat ako dun sa pagkatapik ni Boy Z.
            Nang bumalik na ako sa mundo, mag-isa na lang ako sa gitna ng daan. Autism talaga si Boy Z, iniwan pa ako.
            Pagpasok ko sa entrance ng eskwelahan namin, nag-ring na yung first bell – sinisimbolo nitong 'first bell' na ito ang simula ng mga klase ng mga 1st - 3rd year high school; ang mga 4th year ay nagsisimula nang mas late dahil sa 'special activities' nila – hindi ko alam kung anong klaseng mga espesyal na bagay ang mga pinaggagawa nila.
            Pagkapasok ko sa aming silid ay nakipagusap muna ako kay Kaklase(babae). Bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami ni Kaklase(babae). Nagustuham ko siya in a romantic way nung Grade 6 at nagtapat ako sa kanya nung nakaraang taon. Pero sinabi niya na mas mabuti kung 'friends' na lang muna kami kaya hindi na ulit ako nagpilit pa at ibang ruta na lang ang tinahak ko. Ngayon ay matalik na kaibigan na lang ang turing ko sa kanya, no pain, no gain. Balik na tayo sa kasalukuyan.
            Tinanong ko siya kung anong homework ngayong araw, “Hey Kaklase(babae), anong homework natin ngayon?”
            “Hmm... wait lang, check ko sa notebook ko.” <nagbasa siya ng notes>”ProbSet sa Physics, and Oral Exam sa Math starting Tuesday. Yun lang naman.”, sagot niya.
            “Oops, hindi ko yata nagawa yung ProbSet, ahaha.”
            “Ohh.. gusto mo-”
            “Pakopya?”
            “Hindi. Tatanungin sana kita kung gusto mo magkaraoke tayo mamaya since... uhh... kasi hindi mo nagawa homework mo? Ahehehehe.”
            “Akala ko pa naman papakopyahin ako....sige, suuuure. Basta libre mo.”
            “Oo naman.”
            “Ok class, mag-ayos na kayo.”
            Dumating na pala si Boss. Si Boss ang adviser namin – ang full name niya ay masyadong mahaba kaya Boss ang tawag namin sa kanya kasi she's like a boss(yata). Nagsisimula na ang klase.
            Nagtapos na ang mga klase. Diretso kaagad kami ni Kaklase(babae) sa karaoke dun lang sa 'Junes'.*kanta kanta* *hinga hinga* *kanta ulit kanta ulit* *tawa tawa* *inom ng libreng orange juice na ibinigay ng staff ng karaoke bar pero ayaw ni Kaklase(babae) kaya ako na lang umubos yeah*
            Kakatapos ko lang kumanta ng 'Never Gonna Give You Up' nang nagsalita si Kaklase(babae), “Alam mo ba @!$#, sa palagay ko, kaya ko na ibalik yung mga nararamdaman mo para sa akin.”, sabi niya, sabay blush, may pasway-sway pa.
            Nagulat naman ako. Hindi na siya ang taong inaasam ko dahil may bago na akong tipo kaya napanganga lang ako.
            “H-h-ha?”
            “Uhhmm..”, sinabi niya habang nakasimangot at medyo naluluha, “Ok lang, kung a-” sabay bawi sa sasabihin niya.
            Nakatigil lang ako na para bang na-petrify ng isang basilisk.

            6:30.
            Nag-a-alarm na yung selepono(cellphone) ko. *click*
            Ahaha. HAHAHA!
            Wala lang. Nahihilo pa rin ako mula pa kahapon.
            Makabangon na nga. Siguro malalate na naman ako.

            Papunta na naman ako ng eskwelahan. May stalker akong aso. Alam niyo ba na ang aso ay isang  uri ng mammal sa orden ng Carnivora? Ang salitang ito ay kinabibilangan ng parehong mga lagalag  at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Maraming klase o 'breed' ng aso sa mundo. Merong retriever, German shepherd, Hot Dog, Azkals... marami.
            Itong sumusunod sa 'kin, mukhang may maayos na breed. Tawagin natin siyang 'Pogi'. Sinundan ako ni Pogi hanggang sa entrance ng eskwelahan. Medyo naweweirdohan na ako sa asong ito kaya ibinugaw ko na siya paalis. Paalam, Pogi.

            Mukhang medyo maaga ako ngayon. Kakaunti pa lamang ang mga tao sa silid nang umupo ako sa upuan ko. Sa wakas, makakapgpahinga na rin. Nilibot sa tingin ng mga mata ko ang silid; kanan, wala pang tao; harap, nasa pinakadulo si Girl X. Napag-isip muna ako; si Girl X kaya talaga yung sumigaw kahapon? Tuloy sa paglibot. Kaliwa, upuan ni Kaklase(babae). Mukhang wala pa siya. Naapektuhan kaya siya nung nangyari sa 'Junes'? Sana naman pumasok siya, kailangan ko pa mag-sorry.

            “Ok class, maghohomeroom na tayo!”
            Sigaw ni Boss, pero parang may iba sa tono niya ngayon.
            “Class, may bad news ako sa inyo.  Sana wag kayo mag-react violently. Si Kaklase(babae)..... “

            Ako si Spy 1. Isa akong spy.
            Noong nakaraang taon, may isang kaso na hindi naresolba, ngunit hindi alam ng pulisya na ako ang susi sa kasong iyon.
            Limang taon na akong naging espiya. Ang proyektong nabigay sa akin noong nakaraang taon ay ang pag-obserba sa isang taong nagngangalang '@!$#'. Hindi ipinaliwanag sa akin ang dahilan ng pag-obserba kay @!$#.
            Ipinalabas ng aking agency na isa akong estudyante doon sa eskwelahan na pinapasukan ni @!$#. Ang bansag sa akin doon ay 'Girl X'.
            Sinunod ko ang utos ng 'Agency' na sumigaw sa simula ng operasyon; hindi ko talga maintindihan ang mga pinapagawa sa akin.
            Noong araw din na iyon ay umalis sila ni Kaklase(babae) at nagpunta sa 'Junes' para magkaraoke. Sa aking pagkakarining, nagtapat si Kaklase(babae) kay @!$# ng kanyang pag-ibig. Ngunit hindi tinanggap ni @!$# at maya-maya ay lumabas siya.
            Nagtaka ako dahil sa mga napapanood kong drama ay yung babae ang unang lumalabas sa mga ganitong eksena.
            Pagpasok ko sa loob..... nakakita ako ng ordinaryong bagay na nakikita ko sa aking linya ng trabaho. Nakahandusay si Kaklase(babae) sa sahig habang duguan. Ang 'murder weapon' ay mga basag na piraso ng baso. Si @!$# ang maaaring makagawa nito dahil siya lang ang ibang tao maliban kay Kaklase(babae) ang nakita kong pumasok sa kwartong iyon.
            Iniulat ko kaagad ito sa aking nakalalamang na kasamahan, si Boy Z gamit ang aking aparato para sa komunikasyon. Hindi siya nagulat sa mga sinabi ko, na para bang inaasahan na nilang mangyayari iyon. Ang sabi lang nila sa akin ay tumuloy na lang sa aking araw-araw na gawain na pumasok sa eskwelahan at ituloy ang pag-obserba sa kay @!$# pero hindi raw dapat ako gumawa ng kahit anong aksyon na makakapinsala sa kanya.
            Kinabukasan, pumasok pa rin si @!$#. Nahirapan ako sa pagpigil sa sarili ko na saktan siya, sa pagpatay sa isang taong wala namang kasalanan. Ang espiya ay mga tao rin, may pakiramdam rin sila hindi kagaya ng pagpapalabas ng mga tao sa media. Napansin ko na tinitigan niya ako ng limang segundo. Ako na kaya ang next target niya? Pero sa tingin ko hindi lang ito acting dahil para talgang hindi niya alam kung anong nangyari.
            Maya-maya ay dumating na si Boss, ang homeroom adviser namin. Sinabi niya sa klase na namatay na raw si Kaklase(babae). Hindi raw alam kung sino ang kriminal. Nagulat ang buong klase, kahit si @!$#. Habang ipinapaliwanag ni  ay tumakbo palabas si @!$#. Pinaghahanap namin si @!$# dahil suspek siya dahil may nakakita sa kanilang dalawa ni Kaklse(babae) na magkasama kahapon, maliban sa akin. Maya-maya ay sinabi sa amin na nagbigti raw si @!$# sa isang CR gamit ang kanyang ID.
            Naguguluhan na talaga ako sa mga sunud-sunod na pangyayari kaya pagkauwi ko ay ikinontak ko kaagad si Boy Z.
Ang sabi raw ni Boy Z ay planado raw lahat ng nangyari. May itinetest na bagong droga ang 'Agency' na kumakalat raw sa mundo. Ang nagagawa ng drogang ito ay napipilit ang user na magkaroon ng 'sudden' paranoia at gumawa ng nakakagilagilalas na mga bagay pero epektibo lang ang drug ng pitong minuto at walang ideya ang nakagamit nito kung anong nangyari habang naapektuhan ng drug. Ang gusto nila itest sa operasyong ito ay kung magkakaroon man lang ng 'afterthoughts' yung tao, at na'conclude' na tama nga sila, dahil sa reaksyon ni @!$#.

            Kakainom ko lang ng orange juice kanina na ibinigay ni Boy Z at parang nahihilo ako. Nasa eskwelahan ako ngayon.

Labels:


Alamat ng Glu-glu (Sa wakas!)
Tuesday, July 9, 2013, 10:31 PM
Sa buhay ng tao, isang malaking palaisipan ang misteryo ng Glu-Glu. Marami ang nagtatanong kung ano ito. Buweno, hayaan ninyong aking isalaysay ito sa inyo.

Ang misteryo ng Glu-Glu ay isang misteryo na kinakailangan ng malalim na pang-unawa. Iilang tao pa lamang ang nakaririnig nito, at tunay na siya ay isa sa mga pinakahinahangad na bagay ng mga tao. Mapalad ang siyang kaagarang mauunawaan ang tunay na halaga at kahulugan ng misteryo ng Glu-Glu, sapagkat siya ay taong tunay na kahanga-hanga. Narito ang kuwento ng isang taong nadiskubre ang misteryo ng Glu-Glu sa loob ng mahabang panahon.

Mga ilang taon na rin ang nakalipas ng mayroong isang bata na mga apat na taong gulang pa lamang. Siya ay kabahagin ng isang mahirap na pamilya, subalit pinahahalagahan ng kanyang pamilya ang edukasyon. Isang araw, siya ay kinausap ng kanyang ama at sinabi sa kanya, "Anak, balang araw ay
malalaman mo rin kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

"Itay," tugon ng bata. "Ngayon ninyo na po sa akin sabihin. Ano po ba ang misteryo ng Glu-Glu?"

"Anak, masyado ka pang bata para lubusang maunawaan ang misteryo ng Glu-Glu," ang sabi ng kanyang ama. "Pagbutihin mo ang iyong prep at ikaw ay maging isang valedictorian. Matapos noon ay malalaman mo kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

Nakaraan ang isang taon. Naging valedictorian ang anak sa prep. Agad-agad siyang pumunta sa kaniyang ama at sinabing, "Itay, ako po ang valedictorian ng batch namin. Maaari ko na po bang malaman kung ano ang misteryo ng Glu-Glu?"

Sumagot ang ama, "Anak, masyado ka pa ring bata para lubusang matarok ang kahulugan ng misteryo ng Glu-Glu. Tapusin mo muna ang iyong elementarya at muli kang maging valedictorian. Matapos noon, tiyak na malalaman mo rin kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

Nanghinayang man ang bata, tuloy pa rin siyang nagsikap. Mula grade 1 hanggang grade 7 ay siya ang naging pinakamahusay na estudyante sa kanilang aaralan. Kaya nga't walang nagulat nang siya ay mahirang na valedictorian ng elementarya.

Kaagad pumunta sa ama ang anak. "Itay, Ako na po ngayon ang valedictorian ng batch namin. Siguro naman ay puwede ko na pong malaman ang misteryo ng Glu-Glu."

Nawala ang ngiti sa mga labi ng ama. Kanyang hinawakan ang anak sa balikat at sinabing, "Anak, ako ay talagang bilib sa iyong kagalingan. Subalit, kulang pa rin ito upang iyong maunawaan ang misteryo ng Glu-Glu. Tapusin mo muna ang iyong hayskul at muling maging valedictorian. Matapos noon ay iyong mauunawaan kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

Masakit man sa damdamin ng anak, siya ay nagsikap pa rin sa hayskul. Mula unang taon hanggang ikaapat, talagang pinahanga niya ang mga guro at kamag-aral niya sa kanyang angking talino't galing. Nang magtapos siya ng hayskul, hindi lang siya valedictorian, naghakot pa siya ng mga sampu pang mga medalya.

Muli siyang lumapit sa kanyang ama. "Itay," pagsusumamo ng anak. "Hindi lang po ako ang valedictorian ng aming batch, naghakot pa po ako ng maraming mga karangalan. Maaari ko na po bang malaman kung ano ang misteryo ng Glu-Glu?"

"Maaari," panimula ng ama, na siyang ikinagalak ng kanyang anak. "Subalit hindi mo pa rin siya maaaring maunawaan ng lubusan. Nangangailangan ka munang maging isang doktor at maging isang Magna cum Laude ng iyong batch. Matapos noon ay tiyak na malalaman mo rin kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

Matagal na nag-pursige ang anak. Higit isang dekada siyang nagsikap na makapagtapos sa pagiging isang doktor. At gaya ng inaasahan, siya ay nahirang na Magna cum Laude sa kanyang batch, at laking tuwa niya sa pangyayaring ito. Kaagad siyang pumunta sa kanyang ama upang ipamahagi ang magandang balita-at malaman ang pinakaaasam niyang madiskubre. Ang misteryo ng Glu-Glu.

"Itay, ako po ay Magna cum Laude at isa na pong ganap na doktor. Siguro naman po ay nagawa ko na ang kinakailangan upang maging karapat-dapat makaalam ng misteryo ng Glu-Glu." Ang naging linya ng anak sa kanyang ama.

"Ikinalulungkot ko," umpisa ng ama. "Subalit hindi pa rin iyan sapat upang iyong maintindihan ang misteryo ng Glu-GLu. Tayo ay nasa mahirap na pamilya lamang, anak. Kung maiaahon mo tayo sa hirap at ikaw ay magiging bilyonaryo. Nakakatitiyak akong malalaman mo rin ang misteryo ng Glu-Glu."

Ganoon nga ang ginawa ng anak. Siya ay nagsipag sa pagiging doktor, at siya ay naging tanyag sa larangang iyon. Dahil sa kanyang sipag, sa loob lamang ng pitong taon ay naging isa na siyang bilyonaryo at naiahon na niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kinausap niya ang kanyang ama. "Itay, ngayon po ay bilyonaryo na ako at naiahon ko na kayo sa kahirapan. Maaari ko na po bang malaman kung ano ang misteryo ng Glu-Glu?"

"Anak, hindi pa rin," ang sagot ng ama. "Marahil ay wala ka pa ring maiintindihan sa misteryo ng Glu-Glu hangga't sa hindi ka pa nagkakaroon ng asawa at limang anak."

Agad naghanap ang anak ng isang mapapangasawa, dahil hindi niya inisip ang pag-ibig sa pitong taon ng pagsisikap niyang maging isang bilyonaryo. Sa loob ng anim na taon, siya ay nagkaroon ng limang anak at agad siyang lumapit muli sa kanyang ama sa binyag ng kanyang ika-limang anak.

"Itay," ang sabi niya. "Lahat na po ay nagawa ko. Mayroon na po akong asawa, mayroon narin po akong limang anak. Sana naman ay sabihin ninyo na po kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

"Anak," ang tugon naman ng ama. "Kung iyong pagpapasensyahan. Matagal ko nang pinangarap na makabalik sa tanging ibang bansa na napuntahan ko. Sana'y madala mo ako muli sa lupang America upang doon mo malaman kung ano talaga ang misteryo ng Glu-Glu."

Kaagad nagpatawag ng helicopter ang anak. Bago sila sumakay, binalaan sila ng piloto. "Isa lang ang kakayanin kong isakay dito. Hindi ko kayo maisasakay pareho."

Medyo may katangahan din ang anak. Sabi na lang niya, "Walang problema. Kakandungin ko si Itay."

At tama ang iyong hula. Hindi nakayanan ang timbang ng mga tao kaya bumagsak ang helicopter sa Lake Michigan. Mabuti na lang at hindi napahamak ang dalawa, subalit nabawian ng buhay ang piloto. "Itay," sabi ng anak sa
ama. "Nandito na po tayo sa America. Ano po ba talaga ang misteryo ng Glu-Glu?"

Medyo nakainom ng tubig ang ama, pero sumagot pa rin siya. "Anak, ang sabi ko, LUPANG America. Nasa Michigan Lake pa rin tayo."

Kinuha ng anak ang ama at kanyang kasamang lumangoy papunta sa lupa. Iniapak niya ang mga paa ng ama sa lupa at sinabing, "Itay, ito na po. Ang lupang America. Sabihin ninyo na po sa akin ang misteryo ng Glu-Glu."

Sinabi ng ama, "Anak, hindi mo maaaring malaman ang misteryo ng Glu-Glu kung hindi mo ako dadalhin sa New York."

Napupundi na ang pasensya ng anak. Wala silang pera kaya mula Michigan ay naglakad sila papuntang New York. Matapos ng mga higit sa isang linggo, nakarating na rin sila sa New York. Galit na sinabi ng anak, "Itay, ano po ba talaga ang misteryo ng Glu-Glu? Nandito na po tayo sa New York at kapag hindi ko pa po nalaman dito ay tiyak na malalagot kayo sa akin!"

Nasindak man ang ama, malumanay pa rin siyang sumagot. "Anak, dalhin mo muna ako sa tuktok ng Statue of Liberty. Matapos noon ay doon mo malalaman kung ano ang misteryo ng Glu-Glu."

Sawang-sawa na ang anak sa mga pangako ng kanyang ama. Hinatak niya ang kanyang ama sa buong isang daan apatnapu't dalawang hakbang ng istatwa bago makarating sa tuktok at nakakaawa ang estado ng kanyang amang bugbog ang katawan sa sobrang bilis ng pag-akyat. Muli niyang sinabi sa kanyang ama, "Itay, sabihin ninyo na po ang misteryo ng Glu-Glu sa akin ngayon o ilalaglag ko kayo mula dito."

"Anak," ang sabi ng ama. "Kunin mo ang isang malaking kahon na itinago ko sa may uluhan ng istatwa. Iakyat mo dito sa apoy ng istatwa at malalaman mo na rin ang misteryo ng Glu-Glu."

Umiinit na ang tagpo. Tumakbo pababa ang anak, at hinanap ang malaking kahong sinasabi sa kanya ng kanyang ama. Matapos ang ilang sandali ay natagpuan niya rin ang malaking kahon na kataka-takang hindi man lamang napansin ng ibang mga tao sa loob ng maraming taon. Tumakbo ulit siya pataas, ipinakita ang kahon sa ama at sinabing, "Itay, ito na po ang kahon. Sabihin niyo na po kung ano ang misteryo ng Glu-Glu o talagang ilalaglag ko kayo mula dito."

"Buksan mo," utos ng ama. Sa loob ng malaking kahon ay isa pang mas maliit na kahon.

"Buksan mo pa!" sambit muli ng ama. Sa loob nito ay isa pa ring mas maliit na kahon.

"Buksan mo ulit!" utos na naman ng ama. Sa loob ng kahon ay isa pa ring mas maliit na kahon.

"Buksan mo iyan!" sabi na naman ng ama. Sa loob ng kahon na iyon ay isa pang kahon na mas maliit, at lalo lamang nabibitin ang anak.

"Buksan mo." sabi muli ng ama. Sa loob ng kahon ay isa pa ring mas maliit na kahon.

"Buksan mo ulit. Iyan ang huling kahon." sabi ng ama. Sa pagkakataong ito, mayroong isang napakaliit na garapon na bumungad sa anak.

"Alisin mo ang takip," bilin ng ama. Nagmadaling tinanggal ng anak ang takip. Subalit bago niya ito tuluyang mabuksan ay....

"Huwag masyadong mabilis!" sigaw ng ama. Binagalan ng anak ang pagbukas at ng aalisin na niya sana ang takip ay....

"Masyado pa ring mabilis! Ibalik mo ang takip at buksan ng unti-unti, with feeling!" sumbat ng ama. Sinunod siya ng anak. Kung anu-anong mga mukha ang ginawa ng anak at matapos ang dalawang oras, inalis na niya ang takip mula sa garapon. At ang laman? Walang laman ang garapon.

"Walang hiya kayo, itay," nagngingitngit sa galit na sinabi ng anak. "Kapag hindi niyo pa sinabi sa akin kung ano ang misteryo ng glu-glu ay...."

Sa sobrang takot ng ama ay inatake siya sa puso at namatay. Hinayang na hinayang ang anak. Sa sobrang galit ay inihagis sa tubig ang garapon. Kanyang pinanood ang pagbaba ng garapon na para bang ito ang susi sa misteryo ng Glu-Glu na matagal na niyang inaasam at nais sanang sambitin ng kanyang ama bago siya ay atakihin. Dahan-dahang bumaba ang garapon patungong tubig nang siya ay madawit ng ibon at iniakyat muli bago nabitawan. Umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ng umikot ang garapon hanggang sa ito ay bumagsak sa tubig. <Plok!> Unti-unting napuno ng tubig ang garapon at ito'y
dahan-dahang lumubog....

Glu-Glu. Glu-Glu. Glu-Glu. Glu-Glu. Glu-Glu.

Labels: ,


UPCAT
Friday, February 1, 2013, 11:54 AM


Guy of the Month (October) redo
Tuesday, January 8, 2013, 2:08 PM
Disclaimer: all the answers posted here were done on the consent of the owner.
For Questions, Sponsorships or Violent reactions, e-mail me at magnesium.bot@gmail.com.

Here you go:
Kyle Arquiza. I-Emerald. II-Champaca. III-Magnesium

Full name (why)
Kyle Eisner Manuel Arquiza. kasi sabi ni the_dan.

Birthday (why)
7/29/1996 because of natural selection.

Favoritest solo singer (why)
Rick Astley. His way of 'songing' is unique.

mg.bot note: http://www.youtube.com/watch?v=dQw4w9WgXcQ

Favorite color (why)
Blue or black. 'you're banned' cause they're cool. Or purple.

Most embarrassing moment (why)
when I was embarrassed. 'nuff said :D

Most Romantic moment (either yung moment or yung kasama) (why)
when I ate my first 'x'. I was with Mazuitchba Thortillos. 'nuff said.

Mikaela Reyes or Sophie Reyes? (why)
Mikaela Reyes. kasi Emman.

Prettiest guy in Mg (why):
may joke ako?
Q: Bakit Emman
A: kasi Mika

Handsomest guy in Mg (why):
Joey kasi....

Handsomest girl in Mg (why):
.... si Nina ang handsomest girl

Prettiest girl in Mg (why):
Jo. Kasi nag 'mee-nee-mee-nee-may-nee-mo' ako

Handsomest guy in 2013 (why):
Kyle. Kasi I have no bias

mg.bot note: sino kaya yan? :))

Prettiest girl in 2013 (why):
yung first biological girl na makakabasa nito. one condition though: she has to be.......
...... pretty.

Couple you ship in 2013 (why):
Joey x Nina. kasi that's just the way it is.

Guy you envy the most in the batch (why):
Envy is a sin. Why envy if it is? The sky is blue.

Skill you want to develop (why):
Time Manipulation. to correct my mistakes. and others'

Something cool about you (why):
I can write with my left hand. This is because I can't with other appendages.

Dream moment (why)
when I actually pass Pisay. 'cause I won't pass Pisay. so it's just a dream.

Who/what makes you smile the most (why):
Caltex. It drives me.

Ano gusto mong bonding activity ng Mg (why):
Outing sa 'The Jadee's House.' This is based on the_dan's experiences.

mg.bot note: to those who are wondering about the_dan's real identites, marereveal
rin yan. sa may alam wag killjoy :p

Prediction Alert: it came true! now for part 2... :>

Labels:


Jeepney Diaries
2:06 PM
Isang araw kakagaling ko lang sa Trinoma para makipaglaro sa mga malalakas na players (syempre ako mahina lang)

Sumakay ako ng jeep. Dapat ang sasakyan ko yung isang sakay lang, kaya lang parang desert yung lugar na yun. Kaya nagtiyaga nalang ako sa dalawang sakay. Mas mahal pero mas tipid sa oras.

Pinababa na kami sa City Hall. Malas, kala ko didiretso ng Philcoa. Oh well, sumakay nalang ako ng jeep na U.P. Campus - Pantranco at woah, I saw a cutie na hindi ko alam ang school (well I have pretty limited knowledge regarding uniforms so pardon me, ma'am/sir) at wala lang cute siya haha.

Siguro imagination ko lang yun pero tumitingin sa akin (pero baka dahil sa uniform ko ito). Dumating na ang oras ng aking pagbaba at hanggang ngayon ay nanghihinayang ako na hindi ko siya kakilala. Hindi naman kasi ganun kakapal ang mukha ko, slight lang.

Labels: