Oh! Weight.
about
This is Mg 2013's blog. Supposedly. I'm not sure though. If you have any comments, suggestions or violent reactions, send them to magnesium.bot@gmail.com :D
bold italic strikeout underline.
profile
I'm a Magnesium Bot and I'm very sexy.
SS: Emmanuel Perez
Saturday, February 18, 2012, 4:34 PM
Pumasok ako ng school.
Dala dala yung mga gamit ko.
Yes, PE nanaman.

Kaya lang full schedule.

Baka antukin ako... Pero okay lang yan, Let's get it onnn.

Buti nalang walang quiz sa math...
Filipino... zzz.. Reporting lang. Next time ko na gagawin yung written report..
Ayun STR na...
Di na kami aabot sa end of the experiment, malapit na kasi February 20. Nakakatamad kasi.
Oh well may guinea pig naman na kami. Kahit papano may magagawa.

Pagpasok ko ng STR classroom nakita ko si Sir Albos. Nagulat ata siya kasi wala pa raw
yung iba eh magbebell na, andun naman gamit nila. Sayang, itutuloy ko pa naman sana yung autisman-deluxe streak ko.

Maguumpisa na ata ang STR di ko pa naautisman si Kyle
May nakalimutan daw ata sa dorm. Kasi naman laging kinakalimutan yung Lab Journal.

Nagpaalam nalang ako kay Sir Albos na papasok ako sa loob ng Experimental Lab.
Hindi ko naman talaga alam tawag dun sa kwarto na yun, inimbento ko lang.

Nagnegro muna ko ng labgown dun sa mga bag na nakapatong dun.
Okay lang naman siguro sa kanila kung gagamitin ko muna sandali, nakalimutan ata
pakainin ni Joey yung mga daga.. este guinea pig pala.

Wow malinis STR room halatang tapos na upper year.
Grabe punong puno yung soxhlet extractor ng mga tubes, buti nalang di namin kailangan niyan.

Dun ako pumunta sa may kulungan nung mga guinea pigs. Anlalaki.
HALA bakit patay na yung tatlong guinea pigs sa isang kulungan. Bukas pa yung pintuan.

Makapagsumbong nga kay Sir Albos. May nangsabotage ata sa project namin.
Pero wala dun si Sir Albos.
Sarado na yung STR classroom.
Oh well, free time nanaman siguro for experimentation.

Inobserbahan ko ang mga guinea pigs na 'to.
Grabe naman bakit sinipag ako bigla magSTR.
Nakalimutan ko tuloy ipaalala kay Mikai na kumain na siya.

Tapos bigla kong naisip mga moments namin.

Napangiti ako.

Sa totoo lang iba ang pakiramdam ko sa nickname ni Mikai pero yun parin ang tawag ko sa
kanya.
Naalala ko tuloy si Mika.
Magkapangalan kasi sila.
Mikaela.

Naalala ko tuloy prom.
Saya pala magphotobooth pag gusto mo yung kasama mo.
Hindi naman 'gusto' na 'gustong-gusto'.
Yung tinuturing mong bestfriend.

Tapos yung sayaw...

Nagflicker yung ilaw. Nagising ako sa aking pagmumuni muni.
Siguro nagkaroon nanaman ng temporary problem sa power source.
Hay.. Panira naman tong ilaw na to. Imbis na napupunta na ko sa magagandang parte.

Sinubukan ko ulit humimbing o managinip ng gising pero naamoy ko nanaman yung mabahong
amoy nung mga stagnant na tubig. Kadiri, pero di naman ako ganun kaweirdo para magfreakout.
Normal naman to sa Pisay student..

Dumaan si Myco, may make up ata sa PE yung section nila.
Kailan pa to nangyari sa tanang buhay ko sa Pisay?
Swerte naman nila. Double PE ata sila ngayon.

Meron din naman ganun ang ibang sections.
Pero malas nila sa Friday nataon yung double PE nila. Woo.

May hinahanap si Myco. Natawa nalang ako.
Parang biglang nagiba lahat ng tao ngayong quarter.
Magpapasama sana ko sa STR lab para magpasama.
At makipagkwentuhan.
Balita ko kasi dinurog ng pinong pino ni Dwight Howard yung dunk ni Blake Griffin.
That's nice.

Pero may subject pa pala si Myco.
Ilang oras na ba ako sa loob ng STR lab?
Parang gusto ko magpaexcuse sa Chem.
Pero 30 minutes palang pala ako sa loob ng lab.

How fast time flies when you're having fun sabi ni Sir Chuckie.
Pero ang sabi ko, How fast time flies faster when you're hungry.

Tinamad ako sa mga guinea pig namin. Nakatulog.
Dun sa kulungan nila Kyle chibog naman ng chibog.

Tapos nakita ko yung kulungan nila Gian Sepulveda.
Andaming guinea pig. Saan kaya nila nabili to?
Tapos ang laki rin nila.
Meron pang may pulang mata.
Cyclops ang tinawag ko sa kanya.
Naaalala ko kasi yung X-men.
Good times.. Good times..

Tumingin sakin yung mga guinea pig.
Ang cute. Di ko man aminin pero cute naman talaga sila.
That's cool.

Biglang may ingay akong narinig.
May kumukulo ata. Naiwang bukas.
Sinarado ko yung apoy.
Or rather, sinarado ko yung switch nung gas burner.
But whatever, doesn't really matter.

Kukunin ko na gamit ko.
Sampung minuto nalang pala.

Tapos biglang umingay yung kadena ni Gian Sepulveda.
May namamatay ata.
Umingay yung kadena namin
May nakawalang daga.. este Guinea pig ulit.

Kinuha ko agad yung Guinea pig.
Tumingin ito sa akin at saka nagpumiglas.
Kumapit sa may pulso ko at saka kinalmot ito.
Napangiwi ako at nabitawan ang guinea pig.
Naglabasan ang mga guinea pig at saka nginatngat ang shoelaces ko.

Lechon de Lecheng mga guinea pig to.
Ang mahal ng bili ko dyan.
HOLY. dumudugo na yung pulso ko.
Pero andaming guinea pig.
Di ako makalakad paalis.

Sinipa ko nalang sila.
Wala na akong pakialam.
Kailangan ko makapunta sa Clinic.

H-hala. N-nagalit ata.
Gumapang sila sa pantalon ko at saka pinasok ang katawan ko.
Nakiliti ako at nasaktan. Masakit pala ang mga kuko nila.

Hindi ko na alam ang aking gagawin kaya ako ay tumakbo nalang.
Bahala na.
Kailangan ko mapigilan ang dumurugo kong pulso.
At sa sandaling iyon.

Umabot sila sa may leeg ko.
Punong puno ng dugo sa kanila balat.
Ninanamnam ang aking dugo.
Bago ko maramdaman ang kagat sa leeg at pagkahilo.
Maniwala kayo..



Ngumiti si Cyclops.

Labels:


3 comment(s)

WTF.
That's noice.
Anonymous Expelliarmus on March 1, 2012 at 1:29 PM:  
Dafuq

Post a Comment